Tanging Kayamanan
I
Lahat ng tao'y may mga kayamanan.
Pilak at gintong nakatago sa kaban.
Pilit itinago pagkat may bibigyan,
Upang ang pamilya'y may kinabukasan.
II
'Bang tao na may sarili inuuna,
Pagkat ayaw nilang malampasan sila.
Minamahal ang pera kaysa sa iba.
Pagkat pera ang nagpaikot sa kanila.
III
Ako nama'y simpleng-simple lamang ata.
Aking mga kapatid, ama at ina.
Sila ang kayamana't wala ng iba.
Sila ang buhay ko't mamahalin ko pa.
IV
Mama at Papa, salamat po talaga!
Sa pagmamahal ata pag-aaruga.
Hayaang masuklian sa aking mga gawa.
Gawang mabuti at matataas na marka!
V
Mga kapatid halina't magsumikap.
Mag-aral ng husto nang maabot ang pangarap.
H'wag magbulakbol, sikaping mag-aral!
Laging isa-isip ang Poong Maykapal!
VI
Mga kayamanang bigay ng itaas.
'Di mapapalitan ng kahit ano man.
Mga inspirasyon sa darating kong bukas.
Aalagaan ko't paka-iingatan.
VII
Salamat oh! Diyos, Salamat talaga!
Sa pagbigay ng aking pamilya.
Kahit mahirap basta't andyan sila,
Mga kapatid... Si Mama't si Papa...
เพิ่งทานข้าวอะ อิอิ
อร่อยๆ อ่อ แล้วก็ไปดู HBD มาด้วยแหละ
โอ้ยๆๆๆ ซึ้งอะ ได้ดูยังครับ
ถ้ายังไม่ได้ดู ไปดูซะนะ ^^
รับรองได้ด้วยใจเทนเลยครับ >_ <
..........................................................